Nagsagawa ang United Nations ng isang emergency security council meeting sa New York kaugnay sa tumitinding tensyon sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Pinag-usapan dito ang patuloy na galaw ng Russia partikular dito sa pagsagawa ng peacekeeping mission sa Donetsk at Lugansk region ng Ukraine.
Sa pagpupulong, sinabi ni UN Political Chief Rosemary DiCarlo na mahalaga ang bawat oras upang maresolba ang gusot sa pagitan ng dalawang bansa.
Aniya, kailangan mapigilan ito dahil sa anumang oras ay posibleng magkaroon ng sagupaan sa dalawang kampo.
Sa ngayon, nasagawa ng mass evacuation sa dalawang rehiyon ng Ukraine.
Samantala, nangako ang Britanya na magpapataw ito ng parusa sa Russia matapos ito makitaan ng paglabag sa international law.
Facebook Comments