Business sector, handa na sa posibleng pagluluwag ng Alert Level sa NCR sa Marso

Naniniwala si Presidential Adviser for Entrepeneurship Secretary Joey Concepcion na handa na ang sektor ng negosyo sa pagluwag ng Metro Manila sa Alert Level 1.

Sinabi ito ni Concepcion sa panayam ng RMN Manila kaugnay sa posibilidad na pagbaba ng National Region sa pinakamaluwag na alert level status sa darating na Marso.

Ayon sa kalihim, malaki ang maitutulong nito sa muling pagbangon ng ekonomiya ng bansa kung saan magbubukas muli ang mga negosyong nalugi dahil sa COVID-19 pandemic.


Dagdag pa nito, daan din ito sa pagkakaroon ng tiwala ng mga bangko at micro-financing institutions na magpautang sa mga maliliit na negosyanteng nais magsimula muli matapos padapain ng pandemya.

Facebook Comments