Emergency Use Authority ng Pfizer at BioNTech sa bansa, inaasahang aaprubahan na ng FDA

Inaasahang aaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang Emergency Use Application (EUA) ng COVID-19 vaccine mula sa kompanyang Pfizer at BioNTech sa mga susunod na araw.

Ayon kay FDA Director-General Eric Domingo, minamadali na ng ahensya ang pagpo-proseso sa EUA at inaasahang ilalabas na ito ngayong linggo.

Sa ngayon, ang Pfizer at BioNTech pa lamang ang nagpasa ng EUA sa bansa noong Disyembre 23, 2020 kung saan inumpasahan itong i-evaluate noong Disyembre 28.


Kasabay nito, inaasahan din ng FDA na magsusumite na ng EUA ang kompanyang AstraZeneca habang nagbigay na rin ang ahensya ng listahan ng EUA requirements para sa aplikasyon ng Sinovac ng China at Gamaleya ng Russia.

Samantala, naglatag na ng plano at naglaan na ng pondo para sa pagbili ng bakuna kontra COVID-19 ang ilang Local Government Unit (LGU) sa bansa.

Kasunod ito ng panawagan ng Department of Health (DOH) sa mga LGU na makipagtulungan sa kanilang ahensya para sa mas maayos na pagbili ng bakuna at pantay na pamamahagi nito sa kanilang mga residente.

Facebook Comments