Emmanuelle Vera, 3rd runner-up sa Reina Hispanoamericana 2021

Itinanghal na third runner-up ang pambato ng Pilipinas na si Emmanuelle Vera sa Reina Hispanoamericana 2021 pageant na ginanap sa Bolivia ngayong Linggo.

Ang pambato ng Mexico na si Andrea Bazarte ang nakasungkit sa korona.

Nabatid na pagkatapos tanghaling Reina Hispanoamericana Filipinas 2021 sa Miss World Philippines competition noong October 3 ay naging maikli na lamang ang preparasyon ni Vera bago lumipad sa Bolivia.


Gayunman, masaya si Vera sa nauwing karangalan para sa bansa.

“With only a few preparation days and an incredible team behind me, I’m thrilled to say that I’m finally equipped to take on this challenge! Pilipinas, para sa’yo ito,” saad ni Vera bago ang coronation night.

Nagpaabot naman ng pagbati sa kanyang tagumpay ang Miss World Philippines Organization.

“We are proud of you! You represented our country very well.”

“Thank you for raising the flag of the Filipinas. Mabuhay ka!” saad ng organisasyon sa kanilang social media post.

Taong 2017 nang unang sumali sa Reina Hispanoamericana, isang Latina-dominated pageant, ang Pilipinas.

Naging pinakaunang pambato ng bansa si Wynwyn Marquez na siya ring nakasungkit noon ng korona.

Facebook Comments