Empleyado ng Bureau of Customs, patay matapos barilin sa kaniyang sasakyan sa Maynila

102

Patay ang isang kawani ng Bureau of Customs (BOC) matapos barilin malapit sa kaniyang tinitirahan sa Maynila.

Ayon sa pulisya, nasa loob ng kaniyang sasakyan ang 47 anyos na biktima habang nakatigil malapit sa kaniyang bahay sa Pedro Gil, Sta. Ana, Maynila nang lapitan siya ng suspek at pagbabarilin.

Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang biktima dahil sa natamo nitong tama ng bala sa ulo.


Nakasuot umano ng maskara at jacket ang nakatakas na suspek.

Sa ngayon ay patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad.

Ito na ang ika-apat na tauhan ng BOC na tinambangan mula noong nakaraang Disyembre.



Facebook Comments