
Nilinaw ni Senator Robinhood Padilla na hindi nakatuon kay Finance Senate Committee Chairman JV Ejercito ang kanyang pagkadismaya sa gitna ng budget deliberation ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ikinagagalit ng senador ang halos dalawang dekadang pagkaantala ng proyektong North Luzon East Expressway (NLEE) at may hinihingi pang P100 million para lang maipatupad ito.
Tiniyak ni Padilla na nananatili ang kanyang tiwala at paggalang may Ejercito at ang pagsisikap na maipaliwanag ang proyekto.
Bunsod nito ay pumayag si Padilla na idaan sa masusing pagsisiyasat ng Senate Blue Ribbon Committee ang pagkaantala ng proyekto para mabigyang linaw at mapanagot ang may sala.
Tinukoy pa ng senador na 2007 pa naigawad ang Notice of Award sa Metropolitan Waterworks and Sewerage Systems habang 2019 naman pinagtibay ang pag-apruba rito ng Department of Justice (DOJ).
Hinihintay na lamang sa ngayon ang Notice to Proceed sa nasabing proyekto.










