Empleyado ng City hall, Nagpositibo sa COVID-19; 36 Katao, nakaquarantine

Cauayan City, Isabela- Agad na isinailalim sa quarantine ang nasa 36 katao kabilang ang anim (6) na miyembro ng pamilya nang nagpositibo sa COVID-19 na si CV823 na isang empleyado ng Local Government Unit ng Cauayan.

Ayon kay Dra. Pinky Purugganan, City Health Officer, nakastrict home quarantine ang mga asymptomatic na nakasalamuha nito habang ang 13 katao ay may mild symptoms kaya’t agad na ipinasailalim sa community isolation facility ng lungsod para higit na mabantayan ang kanilang lagay ng kalusugan.

Dagdag ni Dra. Purugganan, August 27 ng makaramdam ng hindi maganda sa kanyang kalusugan ang pasyente na posibleng isang nakikitang dahilan ay ang pagdalo nito sa isang aktibidad at mauwi sa lagnat kung kaya’t idinala ito sa inilaang pasilidad para sa kanyang health monitoring.


Inihayag pa ng doktor na August 31 ng kuhanan ito ng specimen sample para sa swab testing at lumabas ang resulta na positibo ito sa virus pagkaraan ng dalawang (2) araw.

Sinabi rin ni Dra. Purugganan na malaking tulong ang pagkakaroon ng QR Code na siyang ginagamit sa ngayon ng publiko na bahagi upang mas mapabilis ang contact tracing ng isang taong nagpositibo sa COVID-19 dito sa lungsod.

Sa ngayon, nananatili sa kabuuang 13 aktibong kaso ng virus ang naitala sa lungsod ng cauayan.

Facebook Comments