Empleyado ng DILG, timbog dahil sa bomb joke

Kalaboso ang isang empleyado ng Department of Interior and Local Government matapos mag-bomb joke sa isang event na dinaluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kinilala ng Southern Police District (SPD) ang nahuling empleyado na si Elsie Castillo, 57-anyos na Local Government Operations Officer VII ng DILG.

Ayon sa SPD, pabirong sinabihan ni Castillo ang dalawang pulis na inspeksyuning mabuti ang kanyang bag dahil may laman itong bomba.


Nabatid na nangyari ito bago ang pagdating ni Duterte sa Cuneta Astrodome para sa Barangay Summit on Peace and Order.

Sa ilalim ng Presidential Decree no. 1727, ang taong nagbiro ukol sa bomba ay pwedeng makulong hanggang 5 taon at magmulta ng P40,000.

Facebook Comments