Pulis, patay sa pamamaril sa QC

Quezon City – Patay ang isang aktibong pulis matapos pagbabarilin ng riding in tandem sa Quezon City.

Dakong alas-9:20 Miyerkules ng gabi nang pagbabarilin ng mga salarin na sakay ng motorsiklo ang biktima sa J.P Rizal Street sa Barangay Marilag.

Kinumpirma ni Superintendent Ophelio Concina Jr., hepe ng QCPD Station 8, na isang aktibong pulis ang biktima pero hindi na muna niya ito pinangalanan.


Kumakain noon ang biktima nang lapitan ng isang salarin na nakasakay sa motorsiklo saka pinagbabaril na agad niyang ikinamatay.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naturang pamamaril.

Facebook Comments