EMPLEYADO NG GOBYERNO, TIMBOG SA PAGBEBENTA NG ILIGAL NA DROGA

Arestado ang isang empleyado ng gobyerno na tinaguriang High Value Individual drug personality matapos ang isinagawang drug buy-bust operation ng mga awtoridad sa Ugac Norte, Tuguegarao City noong Disyembre 13, 2022.

Kinilala ang suspek na si alyas Rigor, 28-taong gulang at residente nasabing lugar.

Sa nakuhang impormasyon sa Police Regional Office 2, nadakip si alyas Rigor bandang 9:30 ng umaga ng pinagsanib-pwersa ng City Drug Enforcement Unit at Tuguegarao City Police Station sa pakikipag-ugnayan ng PDEA matapos umanong magbenta ng nasa 0.5 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng limang libong piso sa isang operatiba na nagpanggap na poseur-buyer.

Nakumpiska din mula sa kanyang pag-iingat ang tatlong piraso ng aluminum foil, improvised pipe, isang carton box, isang cellphone at buy- bust money na isang libong piso.

Si alyas Rigor ay nakapiit ngayon sa Tuguegarao Police station at mahaharap sa kasong RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments