UNANG BABAENG HENERAL NG CORDILLERA, NANUMPA NA

Pinangunahan ni PNP Chief General Rodolfo Azurin Jr. ang panunumpa sa tungkulin at pagbibigay ng star rank sa mga bagong na-promote na mga pulis kabilang ang unang police lady General sa Cordillera Region sa Camp Crame noong Lunes, Disyembre 12, 2022.

Ang bagong promote na si Police Brigadier General Jezebel Dominguez Medina na siyang acting director ng PNP Health Service ay nagmula sa munisipalidad ng Sabangan sa Mountain Province.

Si PBGen. Medina ay isang dentista bago pumasok sa serbisyo sa pamamagitan ng lateral entry noong 1993.

Samantala, kabilang naman sa mga Major Generals o may two-stars na na-promote ay sina Edgar Allan Okubo, Director ng PNP Special Action Force at Ritchie Posadas, Deputy Director ng APC Southern Luzon.

Kabilang din sa mga bagong Cordilleran Generals ay sina PBGen. Mark Pespes, PBGen. Ramil Saculles, PBGen. Patrick Joseph Alan, at PBGen. Roderick Minong.

Facebook Comments