EMPLEYADO NG LOKAL NA PAMAHALAAN NG BAYAMBANG, SUMAILALIM SA SURPRISE DRUG TEST

Isinagawa ang isang surprise drug test sa mga kawani ng lokal na pamahalaan ng Bayambang.
Isinabay ito sa flag raising ceremony kung saan hindi pwedeng lumabas ang isang kawani hanggat hindi ito sumasailalim sa pagsusuri.
Pinangunahan ito ng Rural Health Unit at PNP Bayambang.

Inatasan naman ang ilang kawani na hindi nakadalo sa surprise drug test na magtungo sa RHU upang isumite ang kanilang urine sample.
Layunin nitong matiyak na ang mga empleyado ay hindi gumagamit ng ilegal na droga na siyang malimit na nagiging sanhi ng heinous crimes kagaya ng rape, pagpatay, pagnanakaw at iba pang bayolente at karumal-dumal na gawain.
Binigyang diin ng lokal na pamahalaan na nararapat lamang na bilang mga lingkod-bayan ay kailangang manguna sa pagpapakita ng magandang halimbawa sa lahat ng mamamayan. |ifmnews
Facebook Comments