Empleyado ng MIAA, nahulihan ng shabu at mga drug paraphernalia

Manila, Philippines – Nakuhaan ng isang sachet ng shabu at mga drug paraphernalia ang isang empleyado ng Manila International Airport Services Corporation (MIASCOR) sa surprise inspection sa NAIA terminal 1.

Nakilala ang empleyado na si Eliezer Espiritu, 52-anyos, lead man ng ground handling ng MIASCOR.

Nabatid na kabilang siya sa nagbubuhat ng mga bagahe papunta sa eroplano o galing sa eroplano, papuntang airport.


Ayon kay Major Joel Jonson, Executive Assistant at head ng counter intelligence section ng Manila International Airport Authority, makatanggap sila ng isang text message na may empleyado silang gumagamit ng droga.

Aminado naman si Espiritu na gumagamit siya ng droga kung saan iginiit niyang pangpakondisyon lang niya ito.

Tatanggalin na sa trabaho si Espiritu at mahaharap sa kasong paglabag sa comprehensive dangerous drugs act.

Facebook Comments