Empleyado ng munisipyo sa Calasiao Pangasinan, pinagbabaril patay

761

Patay sa pamamaril ang isang empleyado ng munisipyo sa Calasiao Pangasinan gabi ng Biyernes, ika-3 ng Disyembre ngayong taon.
Pauwi na umano si Edu Gabriana, 42 anyos residente ng barangay Lasip Calasiao Pangasinan ng pagbabarilin ito ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa barangay Ambonao Calasiao Pangasinan.
Sa imbestigasyon ng otoridad, lulan umano ng kaniyang motorsiklo si Gabriana ng sundan ito ng riding in tandem at tiyaka pinagbabaril.
Nagtamo ng sugat sa tiyan at dibdib ang biktima ngunit nagawa pang makatakbo sa isang compound upang humingi ng tulong.
Agad itong naitakbo ng mga pulis at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council ngunit kalaunay binawian ng buhay.
Nakuha sa pinangyarihan ng insidente ang isang fired catridge case, dalawang deformed bullet at isang bala ng caliber 45 at isang black holster.
Sa ngayon nagpapatuloy ang imbestigasyon ng otoridad sa insidente at sa motibo sa pamamaril.
###

Facebook Comments