Empleyado ng Pasig City Hall, inaresto ng pulisya dahil sa robbery-extortion

Photo Courtesy: Vico Sotto Facebook Page

Arestado ang isang empleyado ng Pasig City Hall dahil sa kasong robbery-extortion.

Ayon sa Pasig City police naaresto ang suspek sa ikinasang entrapment operation sa loob ng isang fast-food chain sa Caroncho Ave. sa Brgy. Malinaw.

Ito ay matapos ireklamo ng pangingikil sa isang negosyante na nag-apply ng business permit.


Nabatid na kulang sa dokumento ang complainant para sa aplikasyon ng business permit pero handa ang suspek na gawan ito ng paraan at sa mabilis na proseso kapalit ng pera na nagkakahaga ng ₱600,000.

Kasunod nito nagsumbong ang negosyante sa pulisya na kalaunan ay nagkasa ng entrapment operation laban sa suspek.

Mahaharap ang arestadong suspek at kasabwat nito sa patong- patong na kaso kabilang na ang robbery-extortion, anti- red tape act, Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

Facebook Comments