VP Sara Duterte, nagbukas ng mga OVP satelite offices sa iba’t ibang rehiyon sa bansa

228

Nagbukas sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang mga satelite offices ng Office of the Vice-President (OVP), upang mas madaling makapagpa-abot ng tulong sa mga kababayan at magkaroon ng mabilis at agarang access sa tanggapan ng pangalawang pangulo.

Sa Facebook post nitong Sabado, sinabi ni VP Sara na nagbukas sila ng anim na satelite field offices sa anim na rehiyon sa bansa sa unang araw niya bilang bise-presidente.

Ang mga nasabing satelite offices ay matatagpuan sa Dagupan (Region 1),Cebu (Region VII), Tacloban (Region VIII), Zamboanga (Region IX), Davao (Region XI) at sa Tandang, Surigao del Sur (Region XIII).


Sinabi rin ni VP Sara na titingnan niya ang posibilidad na ipagpatuloy ang face-to-face classes kahit na ang bansa ay nasa ilalim pa rin ng state of public health emergency dahil sa COVID-19 pandemic.

Dagdag pa ng bise, inutusan siya ni Pangulong Bongbong Marcos na suriin ang K to 12 program.

Facebook Comments