Inireklamo ang isang empleyado ng Registry of Deeds sa tanggapan ng police station 1 matapos ang bigong pagproceso nito ng papel ng lupa ng tatlong magkakapatid.
Ang inireklamo ay si Ruben Daraway, nasa hustong gulang at residente ng brgy. Alibagu Ilagan City habang ang nagreklamo dito ay ang magkakapatid na Juanita Marcelino Biag, 77 anyos, Primitiva Marcelino 64 anyos, Mauricio Marcelino, 57 anyos at mga pawang residente ng brgy. Rizal Santiago City.
Batay sa ulat ay March 2014 ng magtungo ang magkakapatid sa tanggapan ng Tegistry of Deeds upang ayusin ang paghahati ng mga ito sa kanilang lupa.
Dito ay nakilala naman ng mga ito si Daraway na nagpakilala bilang empleyado sa naturang tanggapan at nagsabing matutulungan ang mga magkakapatid kung saan ay kaylangan umanong magpauna ng 30,000 pesos para sa pagpoproceso ng mga dokumento.
Dagdag dito, April 2014 ay personal umanong iniabot ng magkakapatid ang pera kay daraway at hiningi din nito ang original na kopya ng titulo ng mga ito.
Nangako umano itong maipoproceso nito ang titulo ng lupa at maipapangalan sa mga ito ng dalawa hanggang tatlong buwan.
Kaugnay nito ay nagtaka ang magkakapatid dahil dalawang taon na ang nakalalipas ay hindi parin naaayos ang naturang titulo ng lupang kanila sanang paghahati-hatian.
Dahil dito ay nagpasyang sumangguni ang mga ito sa tanggapan ng city legal officer ng lungsod habang buwan nh November 2017 ay magsadya na ang mga ito sa tanggapan ng public atttorney’s office para sa legal advice.
Dagdag pa rito ay pinadalhan din umano ng demand letter si Daraway upang mabawi ang titulong ibinigay sa kanya ngunit hindi parin ito nakuha kaya’t sinundad pa ng notice for conciliation para sa ammicable settlent ngunit hindi din umano ito sumipot.
Matapos ang hakbang na ginawa ng mga magkakapatid ay nagsadya ang mga ito sa police station 1 upang mag file ng kaso laban kay Daraway.
Samantala, hawak na ng city procecutor ang naturang kaso matapos itong sampahan ng ESTAFA.