Empleyado sa fast food, sibak matapos maligo sa lababo ng resto

4100

Tinanggal sa trabaho ang empleyado sa isang fast food chain sa Michigan, US, matapos na pagliguan ang industrial kitchen sink ng restaurant.

Makikita sa isang video na walang pang-itaas na suot ang hindi kinilalang lalaki habang nakalublob sa lababo na puno ng mabulang tubig.


Ibinahagi sa Facebook ng netizen na si Connor Somerfield noong Pebrero 11 ang naturang video na unang lumutang sa Tiktok.

Makikita rin ang isa pang empleyadong nakasuot ng uniporme ng Wendy’s na naghagis sa lalaki ng labakara.

“It feels like a hot tub. I’m just enjoying life,” maririnig na sinabi ng nakalublob ng empleyado.

Kinumpirma naman ni Christian Camp, vice president ng human resources ng kompanya, na nangyari ang insidente sa kanilang branch sa Michigan, batay sa ulat ng Newsweek.

Tinanggal na rin umano lahat ng empleyadong kasama sa lumabas na video.

Nilinis na rin daw ang restaurant makaraan ang insidente, at patuloy pa rin ang operasyon nito.

Facebook Comments