Empleyado, sawi matapos masabugan ng umano’y kinakalawang na oxygen tank

237
(Depositphotos)

Napuruhan sa ulo’t paa ang isang empleyado na agad nitong ikinasawi matapos masabugan ng nire-refill na oxygen tank sa Magarao, Camarines Sur.


Sa report ng ABS-CBN News, nangyari ang insidente nitong Linggo na agad ikinamatay ng 27-anyos na biktimang si Noli Imperial na isang assistant operator sa Magarao Air Products (MAPRO).

Ayon sa pulisya, biglang sumabog ang tangke noong nagkakarga ang biktima ng oxygen na nagresulta pa ng pagkabutas ng bubong ng refilling plant dahil sa lakas ng pagsabog.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection- Magarao, kinakalawang na ang tangkeng kinakargahan ng oxygen ng biktima, bukod sa luma na raw ito.

Naiulat na naging sanhi rin ng insidente ang naka-close na valve switch ng cylinder na indikasyong overloaded na ang tangke.

Hindi rin daw nabigyan ng fire safety inspection certificate ang establisyimento.

Nito lamang Lunes ng madaling araw ng bawian ng buhay si Imperial.




Facebook Comments