Bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa bansa, umabot na sa 136,638; halos 7,000 mga bagong kaso, naitala

Umakyat pa sa 136,638 ang mga tinamaan ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa Pilipinas matapos madagdagan ng 6,958 ngayong araw.

Ito na ang pinakamataas na naitalang mga bagong kaso sa loob lamang ng isang araw.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH), umabot na sa 136,638 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa kung saan 66,186 ang aktibong kaso.


Nakuha ang mga datos sa 74 mula sa 99 licensed laboratories.

24 naman ang napaulat na nasawi na umabot na sa 2,293.

Nasa 633 naman ang gumaling na mayroon ng kabuuang 68,153 total recoveries.

Facebook Comments