Manila, Philippines – Umaasa nga ang National DOH Employees Association o NADEA na ipagpapatuloy ng bagong uupong Health Secretary ang mga nasimulan na ni Doc Paulyn Jean Rosell Ubial.
Ito ayon kay Lorenzana Serafica, presidente ng NADEA ay dahil kung mga bagong polisiya ang ipatutupad ay magiging back to zero ang ahensya.
Gayunpaman, ayon kay Serafica, kahit pa sino ang maupong kalihim ng DOH ay buo naman ang ipapaabot nilang suporta.
Aniya, ikinalungkot nila na hindi na aprubahan ang appointment ni Ubial bilang Health Secretary lalo’t saksi sila sa malasakit nito at dedikasyon sa trabaho.
Makabubuti aniya kung ipagpapatuloy ng susunod na kalihim ang mga programa sa pagsusulong ng Philippine Health Agenda at local health workers na una nang nailatag ni Ubial.