Employers Confederation of the Philippines, tutol sa 4-day work week

Manila, Philippines – Umaasa ang Employers Confederation of the Philippines (ECOP) na hindi makalulusot sa Senado at magiging isang ganap na batas ang 4Day work week na ipinasa ng mababang kapulungan ng Kongreso.

Ayon kay ECOP President Donald Dee, hindi magiging produktibo ang isang manggagawa kahit na 4 na araw lamang ang pasok nito sa isang linggo.

Ito ay dahil bugbog at pagod ang katawan, dahil narin sa sampu hanggang labindalawang oras ang pasok kada araw.


Sinabi pa ni Dee na mawawalan din ng quality time ang mga magulang sa kanilang mga anak.

Katwiran nito aalis sina nanay at tatay ng tulog pa ang mga bata at makakabalik sila sa bahay na tulog narin ang mga anak.

Paliwanag pa nito base sa pag-aaral; hindi maganda sa kalusugan nang isang tao kung masyado itong bugbog sa trabaho.

Mas magiging sakitin din aniya ang isang manggagawa kung sobra sobra ang working hours.

Facebook Comments