Pagkamatay ni Cayamora Maute, posibleng mas magdulot pa ng gulo sa Marawi

Marawi City – Posibleng gamitin ng Maute brothers ang pagkamatay ng kanilang ama na si Cayamora Maute na magtawag ng kanilang mga kamag-anak at supporters para palakasin ang kanilang pwersa laban sa tropa ng pamahalaan.

Ayon kay AFP spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla, na maliban sa panawagang pagpapalakas ng pwersa ng Maute malaking kabawasan din daw ang pagkamatay ni Cayamora sa isinagawang imbestigasyon ng mga awtoridad kaugnay sa kinalaman nito sa gulo sa Marawi City.

Sa ngayon, hindi raw niya matukoy kung naibigay lahat ni Cayamora ang mga kakailanganing impormasyon ng mga awtoridad.


Sinabi pa ni Padilla, maari din daw gamitin ng Maute brothers ang pagkamatay ng kanilang ama sa sitwasyon ngayon sa Marawi na posibleng magpabilis na matapos ang gulo o mas bumagal pa.

Sa kabila ng mga pangambang ito, tiniyak ni Padilla na nakahanda ang AFP sa anumang susunod na hakbang ng mga terorista.

Facebook Comments