Employment agencies sa Hong Kong, duda sa ilang COVID testing institutions sa Pilipinas

Duda ang Hong Kong Union of Employment Agencies sa kapasidad ng ilang COVID-19 testing institutions sa Pilipinas.

Sa harap ito ng halos araw-araw na pagkakaroon ng OFW na nagpopositibo sa COVID-19 pagdating sa Hong Kong.

Ayon sa samahan, marahil ay hindi rin sensitibo ang RT-PCR Test na ginagamit ng testing institutions sa Pilipinas.


Inirekomenda rin nila sa Philippine Government na tutukan ang sistema ng testing centers at kastiguhin ang mahuhuling hindi naglalabas ng tamang resulta.

Partikular na inirekomenda nila ang paglalagay sa blacklist sa testing institutions na hindi naglalabas ng angkop na resulta ng swab test.

Facebook Comments