EMPLOYMENT RATE NG REGION 1, PUMALO SA 92.5% NGAYONG TAON; REHIYON, NASA IKA-6 NA PWESTO SA BUONG BANSA BASE SA EMPLOYMENT RATE

Pumalo sa 92.5 percent ang naitala ng Region 1 na employment rate nito ngayong April 2021, base sa inilabas na tala ng Philippine Statistics Authority. Ito ay mas mataas ng 14.8 percentage points kung ikukumpara naman sa 77.7 percent employment rate noong April 2020 na kung saan ito ay kasagsagan ng ipinatutupad na lockdown noong nakaraang taon.
Tumaas din naman ang nasabing bilang ng aabot sa 1.8 percentage points mula sa 90.7 percent employment rate na naitala ng ahensya noong January 2021.
Ang Labor Force Participation Rate (LFPR) sa April 2021 ay naitala ang 64.4 percent sa Ilocos Region, nakitaan ng pagtaas ng 3.6 percentage mula sa 60.8 percent sa same period noong 2020 at may 2.7 percentage points mula sa 61.7 percent LFPR noong January 2021.
Ang mga datos na ito umano ay nagpapakita lamang na dumami mula ang nagbukas na mga negosyo o establisyemento na nakapgbigay naman ng trabaho sa gitna ng pandemya.
Ang Ilocos Region naman pagdating sa underemployment rate ay bumaba ng 3.0 percentage mula sa 20.7 percent noong April 2020 ay bumagsak sa 17.7 percent ngayong April 2021 ngunit tumaas naman ng 0.8 percentage mula sa 16.9 percent .
Malaki naman din ang ibinaba ng unemployment rate sa Ilocos Region na nakapagtala lamang ng 7.5 percent sa April 2021, bumaba ng 14.8 percentage points kung ikukumpara sa 22.3 percent noong April 2020. Ito pa bumaba ng It 1.8 percentage mula sa 9.3 percent unemployment rate noong January 2021.
Sa mga Rehiyon sa bayan, ang Ilocos Region ay bumagsak sa 6th lowest employment rate sa April 2021 habang ang National Capital Region (NCR) ay may pinakamababa na employment rate na nakapagtala ng 85.6 percent, habang ang Zamboanga Peninsula ang nakapagtala ng pinakamataas na employment rate na 96.7 percent.

Facebook Comments