Tumaas ang bilang ng mga residente sa Ilocos Region ang mayroong trabaho ngayong buwan ng Abril.
Base sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) Region 1, mula sa 92. 5% tumaas ito ng 94. 1%.
Katumbas ito ng 2. 5 milyong ang mga indibidwal edad 15 pataas ang may trabaho.
Bumaba naman ang unemployment rate sa 5. 9% o katumbas ng 147, 000 empleyado ang walang trabaho sa Ilocos Region.
Tumaas naman ang underemployment sa rehiyon sa 16%. Ito umano ang mga indibidwal na may trabaho ngunit mayroong karagdagang working hours sa kanilang kasalukuyang trabaho o mayroon pang ibang trabaho.
Tinitignang sanhi ng pagtaas ng underemployment ay ang pagtaas ng inflation. | ifmnews
Facebook Comments