LTFRB REGION 1 INATASAN ANG MGA OPERATOR AT DRIVER NG PAMPUBLIKONG SASAKYAN SA ILOCOS REGION, NA IPASKIL ANG FARE MATRIX SA LOOB NG SASAKYAN

47
Nagpaalala ang Land Transportation and Regulatory Board (LTFRB) Region 1 sa mga operator at driver ng pampublikong sasakyan sa Ilocos Region na ipaskil o idisplay ang fare matrix sa loob ng sasakyan matapos aprubahan ang pisong taas pasahe sa mga jeep.
Ayon sa LTFRB Region 1, kailangang siguraduhin na ito ay mailalagay dahil kung ito ay wala isa itong paglabag at mayroong penalty batay sa Joint Administrative Order NO. 2014-01.
Sa inilabas na abiso ng tanggapan, 11 piso ang minimum fare sa traditional jeep at 13 piso naman sa modern PUJs.

Kasama sa kautusan ang pagbibigay ng 20% discount sa mga mag-aaral, matatanda at may kapansanan. | ifmnews
Facebook Comments