Inaasahan ng Department of Tourism (DOT) na tataas na ang bilang ng mga magkaka-trabaho sa sektor ng turismo kasunod ng desisyon Inter-Agency Task Force (IATF) na papasukin ang mga foreign nationals sa bansa.
Ayon kay DOT Secretary Bernadette Romulo-Puyat, tinatayang nasa higit isang milyong Pilipino ang nawalan ng trabaho simula nang isara ang borders ng bansa noong March 2020.
Aniya, malaking bagay ang desisyon ng IATF para sa mga stakeholders nang sa ganon ay makabalik na ang mga ito sa trabaho at upang muling sumigla ang ekonomiya ng bansa.
Tiniyak din ni Puyat na nakatanggap na ng kompletong bakuna at booster shots ang mga kawani ng turismo upang masiguro ang kanilang proteksyon gayundin ang mga dayuhang papasok sa bansa.
Samantala, inaasahan naman ng Bureau of Immigration (BI) na madaragdagan ng 30% ang bilang ng mga pasaherong darating ngayong araw sa bansa.