Enchong Dee, binanatan si MMDA spox Celine Pialago sa naging pahayag sa transport strike

Binatikos ng aktor na si Enchong Dee ang naging pahayag ni Metro Manila Development Authority (MMDA) spokesperson Celine Pialago hinggil sa isinagawang malawakang transport strike noong Lunes, Setyembre 30.

Sa Twitter, ibinahagi ni Dee ang graphic ng ABS-CBN laman ang mga opinyon ni Pialago at Bayan secretary-general Renato Reyes Jr. sa protesta ng mga transport group kontra public utility vehicle (PUV) modernization program.

“Despite the good intentions of the government, puro reklamo lang ang kaya niyong gawin. Nasasanay kayong gobyerno ang mag aadjust sa lahat ng reklamo niyo particularly dito sa PUV Modernization Program. You can never threaten the government,” pahayag ni Pialago.


Tila hindi ito ikinatuwa ng aktor at tinawag na “clueless” sa estado ng trapiko sa Metro Manila si Pialago.

Sagot naman ni Dee rito, dapat ay sagutin na lang ng pamahalaan ang gagastusin para sa modernisasyon na aniya’y hindi kakayanin ng mga jeepney driver.

“Mamayang Pilipino nanaman mag-aadjust? Why not provide for the Jeepney driver’s modernization… if the govt finds it expensive, how much more the jeepney drivers?” ani Kapamilya actor.

Suspendido ang mga klase sa Manila noong Lunes, kasunod ng protesta ng mga trasnport group na pinangunahan ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON).

Facebook Comments