Enchong Dee, binatikos ang mga politikong nagpa-VIP umano sa COVID-19 test

Instagram/@mr_enchongdee

Tinira ni Enchong Dee ang mga opisyal ng gobyerno na umano’y nakuhang magpa-VIP sa COVID-19 test, sa kabila ng panawagan ng publiko sa mass testing.

Sa Twitter kahapon, Marso 24, sinabi ng aktor na “very inconsiderate people” ang kahulugan ng VIP na angkop para sa mga naturang politiko.

Kalakip ng tweet ay listahan ng pangalan ng mga “VIP” at bahagi ng ulat ng Inquirer tungkol kay Dr. Israel Bactol, cardiologist na pumanaw sa coronavirus.


Nabanggit sa nasabing report na nasa 34 opisyal, karamihan umano ay walang sintomas, ang nag-utos sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na unahing ilabas ang kanilang resulta, pati na ng kanilang mga kaanak.

Dahil umano rito, naantala nang apat na araw ang resulta ng COVID-19 test ni Bactol na namatay noong Marso 21.

Ipinost din ito ni Dee sa kanyang Instagram stories, kung saan nilagyan niya ang listahan ng pangalan ng mga politiko at kanilang kaanak, ng caption na: “Mga swapang! Lumalabas baho niyo. Disgrace.”

IG story screenshot from
@mr_enchongdee via Fashion Pulis

Samantala, umamin si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque na totoong nag-request sa RITM ang mga “VIP”, ngunit dumipensang pasok naman umano ang ilan dito sa criteria ng testing.

Facebook Comments