Chinese Gen. Hospital, hindi na rin tatanggap ng PUIs at COVID Patients

111

Nag-abiso na ang pamunuan ng Chinese General Hospital and Medical Center sa Sta. Cruz, Maynila na hindi na muna sila tatanggap ng mga pasyenteng positibo sa COVID19 gayundin ang mga itinuturing ng Patients Under Investigation (PUI).

Sa isang pahinang advisory ng Chinese General na pirmado ng kanilang medical director na si Dr. Samuel Ang at President and CEO Dr. James Dy, dahil sa pandemic na dala ng COVID-19, nasa critical situtation na ang resources at manpower gayundin ang medical personnel ng ospital .


Anila, puno na rin sa ngayon ang kanilang COVID-19 wards.

Malaki na rin anila ang nabawas sa kanilang healthcare team at wala rin silang sapat na COVID-19 Test kits at Personal Protective Equipment (PPE).

Mananatili namang bukas ang emergency room ng ospital 24/7 para sa iba pang mga emergency cases.

Kahapon, nag abiso na rin ang St. Lukes Medical Center at Medical City na hindi na rin sila tatanggap ng COVID-19 patients.

Facebook Comments