Enchong Dee, nakagawa ng Guinness World Record

Nakagawa ng kasaysayan ang aktor na si Enchong Dee kasama ang higit 1,800 na mga bata matapos masungkit ang Guinness World Record para sa “Largest Swimming Lesson in a Single Venue’’.

Sa kanyang Instagram post, masayang sinabi ni Enchong na nakuha nila ang world record para sa pinakamaraming bilang ng batang sabay-sabay na tinuruan ng basic swimming skills at water safety sa loob ng isang araw sa isang waterpark sa Clark, Pampanga.

Nalampasan na nito ang swimming lesson record na naitala sa Florida, United States na may 1,308 participants noong June 20, 2014.


Si Enchong Dee ay bahagi ng Philippine National Swimming Team na lumahok sa Southeast Asian Games at 2006 Asian Games.

Samantala, iuuwi na ngayong araw ng pamilya ng beteranong aktor na si Eddie Garcia ang urn nito.

Kagabi, idinaos ang huling gabi ng lamay sa Heritage Park sa Taguig kung saan dinagsa ito ng mga kaibigan, kapwa artista at mga tagahanga ng naiwang pamilya ng multi-awarded actor.

Facebook Comments