ENDANGERED SPECIES | 67 sea turtle hatchlings, pinakawalan sa Mariveles, Bataan

Mariveles, Bataan – Animnapu’t pitong batang pawikan o sea turtle hatchlings ang pinakawalan ng Municipal Environment and Natural Resources Office o MENRO sa bayan ng Mariveles, Bataan kahapon.

Ayon sa mga residente rito madalas matagpuan ng mga mangingisda sa tabing dagat ang mga pawikan na nangingitlog sa dalampasigan o sa buhanginan dito.

Dagdag pa nila na agaran nilang inirereport ito sa BFAR para sa pagdadala sa pawikan hatchery sa nasabing bayan.


Ayon sa grupong Volunteers for Marine Turtle Conservation and Hatchery sa Mariveles, ibinabaon aniya nila sa buhanginan ang mga itlog ng pawikan hanggang sa mapisa ito sa loob ng 70 araw saka ito pakakawalan sa baybaying dagat.

Samantala, ipinaalala ng mga otoridad na may katapat na parusa sa ilalim ng newly amended Philippine Fisheries Code, RA 8550 sa amended by RA 10654 ang sinomang mapapatunayang nanghuhuli ng mga pawikan habang nangingitlog ito sa dalampasigan o mismong ang mga itlog nito ang kinikuha.

Ang pawikan ay kabilang sa mga endangered species.

Facebook Comments