Endo Bill, parang laro ng NBA Finals ayon sa isang DOLE official

Naniniwala ang isang opisyal ng Department of Labor and Employment (DOLE) na magagawa ng Duterte Administration na maipasa ang Security of Tenure (SOT) Bill bago matapos ang termino.

Matatandaang vineto ni Pangulong Duterte ang bersyon ng SOT bill noong 17th Congress, taong 2019, kahit sinertipikahang urgent ito.

Paliwanag kasi noong Malacañang na kailangang balasyado ang interes sa pagitan ng employer at manggagawa.


Ayon kay Labor Undersecretary Benjo Benavidez, ang kasalukuyang status ng panukalang naglalayong tapusin ang contractualization ay parang ‘basketball game’.

“Ang mensahe ko po ay…kanina may NBA game, panalo ‘yung Milwaukee Bucks. Alam niyo po ‘yung game ay nananalo or natatalo sa last two minutes, sa endgame po nito,” ani Benavidez.

“Ako po ay naniniwala that in the last two minutes of this administration ay kaya pa po natin na maipasa ‘yung bill on security of tenure, ending Endo,” dagdag ni Benavidez.

Sianbi pa ni Benavidez na ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na tatapusin ang Endo scheme sa ilalim ng kanyang termino.

Kahapon, sinabi ni Labo Secretary Silvestre Bello III na nilagdaan niya ang sulat na humihiling kay Pangulong Duterte na ideklarang urgent ang Senate Bill 1826, na nakabinbin ngayong 18th Congress.

Ang tinutukoy na basketball game ni Benavidez ay ang mahigpit na Game 6 finals game sa National Basketball Association (NBA) sa pagitan ng Milwaukee Bucks at Phoenix Suns.

Nanalo ang Buck sa iskor 105-98, nalambat ang titulo.

Facebook Comments