Pangulong Duterte, patuloy pa ring pinagkakatiwalaan – Palasyo

97

Sa huling taon ng kanyang termino, nananatiling pinagkakatiwalaan ng mayorya ng mga Pilipino si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang sagot ng Malacañang matapos bumaba ang survey ratings ng Pangulo sa nitong Hunyo na ikinagalak naman ni dating Senator Antonio Trillanes IV.


Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi niya maintindihan kung ano ang survey na tinitingnan ni Trillanes.

Nananatili aniyang mataas ang satisfaction at trust rating ng pangulo batay sa mga survey nitong nagdaang tatlong buwan.

Maliit lamang ang ibinaba ng ratings ng pangulo kaya sa pangkalahatan ay nananatili pa rin itong mataas.

Facebook Comments