Naniniwala ang isang political science professor na hindi gaano makakaapekto sa takbo ng halalan ang endorsement ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa panayam ng RMN Manila kay University of the Philippines Political Science Professor Clarita Carlos, sinabi nito na ang endorsement ng pangulo ay importante lamang sa publikong naghihintay nito.
Ayon kay Carlos, wala siyang nakikitang dahilan upang tutukan ang pag-endorso ng pangulo ngayong eleksyon.
Dapat aniya mas tutukan ng publiko ang posibleng paggamit ng pondo ng bayan sa pag-eendorso ng gobyerno sa mga tumatakbong kandidato.
Facebook Comments