Tiniyak ng Department of Energy (DOE) na mahigpit itong nakikipag-ugnayan sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), generation companies, at distribution utilities para matiyak ang tuloy-tuloy na supply ng kuryente.
Sa harap ito ng ideneklarang Red at Yellow Alert status sa Luzon at Visayas ngayong araw.
Ayon sa DOE, ang manipis na supply ng elektrisidad ngayon ay bunga ng mataas na peak demands sa Luzon at Visayas Grids.
Sa gitna naman ito ng matinding init ng panahon.
Nanawagan din ang DOE sa generation plants na nagpapatupad ngayon ng forced outage na tiyaking ang kanilang mga pasilidad ay babalik online sa lalong madaling panahon.
Facebook Comments