Energy Department, tiniyak na sapat ang supply ng kuryente sa bansa sa harap ng epekto ng Bagyong Tino

Tiniyak ng Department of Energy (DOE) na may sapat na supply ng kuryente sa bansa sa harap ng pananalasa ng Bagyong Tino.

Ayon sa DOE, nananatiling normal ang operasyon ng grids sa Luzon, Visayas, at Mindanao grids kaya sapat ang overall power supply sa bansa.

Kinumpirma rin ng Energy Department na restored na ang isang on-grid power plant na naapektuhan ng Bagyong Tino.

Habang nagpapatuloy naman ang restoration sa dalawang power plants sa Cebu at Negros Occidental at ang dalawang iba pa ay nananatiling offline.

Kinumpirma rin ng DOE na ang diesel power plants (DPPs) sa ilalim ng National Power Corporation Small Power Utilities Group (NPC-SPUG) ay naka-standby dahil sa forced evacuation na ipinatupad ng local government units.

Pinapayuhan din ng Energy Department ang mga residente mula sa mga lugar na hinagupit ng Bagyong Tino na maging alerto at maingat sa posibleng live wires.

Facebook Comments