Energy sector, sumagot na sa kontrobesiya sa ownership ng NGCP

Naglabas ng paglilinaw ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa naungkat ng Senado na usapin sa ownership ng NGCP.

Ayon kay NGCP Corporate Communications Head, Atty. Cynthia Alabanza, fully controlled ng mga Pilipino ang NGCP at ang 40% stake ng State Grid Corporation of China ay pinahihintulutan ng Saligang Batas.

Nilinaw rin ni Alabanza na sa kabuuang 10-person board ng korporasyon, apat lamang dito ang Chinese at hindi sila maaaring mangibabaw sa mga desisyon.


Sinabi pa ni Alabanza na ang anim na iba pang kasapi ng board at ang ibang mga empleyado at staff ng NGCP ay pawang mga Pilipino.

Idinagdag pa ni Alabanza na ang ano mang urgent na usapin na nangangailangan ng agarang atensyon ay maaaring pagdesisyon ng Pilipinong President and CEO, kahit na wala ang presensya ng Chinese stakeholders.

Una na ring pinabulaanan ng mga kinatawan ng NGCP sa kanilang pagharap sa pagdinig ng Senate Committee on Energy na ang partners nila mula sa State Grid Corporation of China (SGCC) ang may total control sa kanilang operasyon.

Facebook Comments