Energy sources, nagsagawa ng adjustment para tiyaking sapat ang suplay ng kuryente sa BSKE 2023

Nagsagawa na raw ng adjustment at paghahanda ang mga energy stakeholder para masigurong sapat ang suplay ng kuryente sa kasagsagan ng Barangay at Sangguniang Kabataan (BSK) Elections sa Lunes.

Sinabi ni Department of Energy (DOE) Secretary Raphael Lotilla, nais daw kasi ng energy sources na magkakaroon ng sapat na suplay ng kuryente bago, habang at pagkatapos ng halalan.

Tuloy-tuloy rin umano ang pakikipag-ugnayan ng Energy Task Force Election sa mga generating companies at sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) para masigurong magkaroon ng mga generating unit at matugunan ang pangangailangan at kinakailangang reserba sa panahon ng eleksyon.


Facebook Comments