Pulis na umano’y kasintahan ng nawawalang beauty queen, sibak sa pwesto

Na-relieve na sa pwesto ang umano’y police major na kasintahan ng nawawalang beauty queen na si Catherine Camilon.

Ayon kay Police Regional Office 4A (PRO 4A) Director Kenneth Lucas tinanggal muna ito sa pwesto habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Sa ngayon, hindi pa rin mabatid kung nasan si Catherine pero kinakalap na ng mga awtoridad ang mga ebidensya tulad ng mga CCTV footage na posibleng maging daan upang matunton si Catherine.


Nabatid na umabot na sa P250,000 ang reward money para sa makapagtuturo sa kinaroroonan ng missing beauty queen.

Matatandaang October 12 pa napaulat ang pagkawala ni Camilon na kumatawan sa Batangas sa Miss Grand Philippines 2023 pageant.

Facebook Comments