ENGAGED | Lotlot de Leon – engaged na sa kanyang Lebanese boyfriend

Engaged na ang aktres na si Lotlot de Leon sa Lebanese businessman na si Fadi El Soury.

Naganap ang proposal sa nature wellness village sa Tagaytay City noong Linggo, July 15.

Halos ma-blanko nga raw ang aktres nang biglang ilapag ng waiter sa kanilang lamesa ang pinggan na may lamang desserts kung saan nakasulat ang mga salitang “Marry Me!”


Kasunod nito, napaiyak ang aktres at nahawa na rin sa kanya si Fadi.

Si Lotlot at Fadi ay limang tao at kalahati nang magkasintahan.

Nagkakilala sila sa pamamagitan ng isang common friend.

Facebook Comments