ENGAGED NA? | Fans nina Luis at Jessy Mendiola, confused sa tunay na estado ng dalawa

Manila, Philippines – Confused ngayon ang mga fans nina Luis Manzano at Jessy Mendiola sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Usap-usapan kasi ang balitang engaged na sila matapos mag-message sa isa’t-isa sa kani-kanilang instagram story kung ano ang magandang theme para sa kanilang wedding.

Maging ang ina ni Luis na si Vilma Santos, ay tumangging sumagot nang tanungin ito sa balita saka sinabing kung mayroon mang dapat mag-anunsiyo nito, ang dalawa na daw ang bahala dito.


Nilinaw naman ni Vilma na anuman ang maging desisyon ng kanyang anak ay susuportahan niya ito.

Sa ngayon, waiting pa din ang mga fans maging ang mga kaibigan sa showbiz kung ano na talaga ang plano nina Luis at Jessy.

Facebook Comments