NANLABAN | Lalaki, patay matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Batangas

Batangas – Patay ang isang lalaki matapos maka-engkwentro ang mga pulis sa Talisay, Batangas.

Nakilala ang nasawi na si Jeffrey Escobido na sangkot sa iba’t-ibang kaso habang nasawi rin ang isang hindi pa kilalang babae na kasama nito.

Ayon sa Talisay Police, maghahain sana ng arrest warrant ang kanilang mga tauhan laban sa suspek nang manlaban ito.


Nabatid na sangkot si Escobido sa mga kasong carnapping, murder, frustrated murder at iba pa sa Quezon at Nueva Ecija.

Facebook Comments