ENGKWENTRO | 2 patay matapos manlaban sa QC

Quezon City – Patay ang dalawang hinihinalang holdaper matapos makaengkwentro ng mga pulis sa Barangay Antonio, Quezon City.

Ayon kay QCPD Station 2 Commander Superintendent Rodrigo Soriano nakita ng mga nagpapatrolyang pulis ang biktima na si Marlyn Gonzales.

Nakayoko ito balisa habang naglalakad.


Naituro ng biktima kung saan tumakas ang mga holdaper at nasundan ng mga otoridad sa San Jose Street.

Nakita ang 2 lalaki na nakasakay sa motorsiklo at ng sitahin dito na nagkaroon ng engkwentro.

Patay ang dalawang hindi pa nakikilalang lalaki at nakuha ang isang kalibre 38 na baril at kalibre 357.

Facebook Comments