HULI! | Lalaking tumanggap ng package na naglalaman ng marijuana, arestado

Arestado ang isang lalaki matapos tumanggap ng package na naglalaman ng hinihinalang marijuana mula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Kinilala ang suspek na si Raven Dela Rosa na naaresto sa Scout Rallos sa may Sacred Heart sa Quezon City.

Ayon kay Gerald Javier, ng NAIA Drug Interdiction Task Group sa paliparan pa lang ay natuklasan na nila na naglalaman ng illegal na droga ang package na dumating noong Oktubre 8 mula Estados Unidos.


Idiniliver aniya nila sa suspek ang package bilang consignee pero nakatugon ito kaya tumakbo si Dela Rosa hanggang sa mahuli ng mga awtoridad.

Aabot sa kalahating kilo ng high grade marijuana o kush na may street value na P750,000 ang nasabat sa operasyon.

Facebook Comments