Sulu – Patay ang tatlong miyembro ng Philippine Marines matapos makasagupa ang hindi mabilang na miyembro ng Abu Sayyaf Group sa Patikul Sulu kaninang umaga.
Ito ang kinumpirma ni AFP Western Mindanao Command Spokesperson Col. Gerry Besana.
Aniya alas-5:20 ng umaga nagsasagawa ng operation ang militar sa Barangay Timpook, Patikul Sulu nang makasagupa ang mga miyembro ng ASG partikular ang grupo ni Abu Sayyaf under sub leader Alnijar Ekit at Aldi Alun.
Bukod sa tatlong nasawing sundalo, may tatlo ring naitalang sugatan sundalo habang narekober naman ng militar ang isang bangkay sa pinangyarihan ng encounter na mula sa mga nakasagupang bandido.
Nakakuha rin ang militar ng isang M14 rifle at pitong M14 magazines.
Isinugod naman sa Kuta Heneral Teodolfo Bautista Station Hospital ang mga sugatan sundalo.
Sa ngayon nagpapatuloy ang operasyon ng militar laban sa mga nakasagupang ASG.