ENGKWENTRO | 6 na holdaper patay sa Cagayan

Patay ang anim na holdaper habang isa ang nakatakas matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Barangay Bicud, Lallo, Cagayan.

Ayon kay Chief Inspector Ramon Macarubbo Jr. hepe ng Lallo Municipal Police Station, pitong armadong lalakeng lulan ng puting van na may plakang RCK 364 ang humarang sa ilang sasakyang galing sa Lasam, Cagayan at nagdeklara ng holdap.

Pero isang pasahero ang tumangging magbigay ng gamit ang nabaril ng mga suspek sa paa.


Aabot sa halos 300,000 pisong halaga ng gamit, alahas at pera ang nakuha ng mga suspek.

Ngunit naharang ng PNP ang van sa isang checkpoint ng regional mobile force company sa Barangay Bangag kung saan nakipagbarilan ang mga suspek.

Wala namang nasaktan sa panig ng PNP.

Pinaghahanap pa ang isang nakatakas na suspek.

Facebook Comments