ENGKWENTRO | Gagawing imbestigasyon ng CHR sa napatay na 14 NPA sa Batangas, walang problema sa AFP

Manila, Philippines – Walang problema sa pamunuan ng 2nd Infantry Division ang hakbang ng Commission on Human Rights (CHR) na imbestigahan ang nangyaring engkwentro sa Batangas na ikinasawi ng 14 na miyembro ng New People’s Army (NPA).

Ayon kay Solcom acting Commander Maj. Gen. Rhoderick Parayno, suportado nila ang anumang hakbang na gagawin ng CHR.

Pero nanindigan siyang malakas ang ebidensya laban sa mga napaslang na NPA members dahil nakasuot aniya ang mga ito ng armas ng maganap ang engkwentro sa Batangas kamakailan.


Umaasa naman si Parayno na magiging patas ang CHR sa gagawing imbestigsyon.

Kabilang sa nasawi sa naganap na sagupaan ang 22-anyos na dating estudyante ng University of the Philippines (UP) na si Josephine Lapira.

Facebook Comments