ENGKWENTRO | Lalaki, patay matapos makipagbarilan sa mga pulis sa QC

Quezon City – Patay ang isang lalaki habang nakatakas naman ang kanyang mga kasamahan matapos makaengkwentro ang mga pulis sa Barangay Nagkaisang Nayon, Quezon City.

Sa ngayon ay wala pang pagkakakilanlan ang suspek.

Sa ulat, pinaputuka ng anim na mga suspek na sakay ng dalawang motorsiklo ang mga pulis ng QCPD Station-4 sa ikinasang checkpoint sa SD Road Sierra Vista sa nasabing barangay.


Agad na hinabol ng mga otoridad ang mga suspek at nauwi sa engkwentro ang insidente kung saan dead on the spot ang isang hindi pa nakikilalang lalaki na nakuhanan ng isang kalibre 38 revolver.

Napag-alaman na naunang ini-report ng isang rider na tinangay mula sa kaniya ng anim na suspek ang bago nitong motorsiklo na siya naman narekober sa pinangyarihan ng engkwentro.

Facebook Comments